San Jose Del Monte, Bulacan — Naghahangad ang City of San Jose Del Monte(SJDM) Bulacan na i-realign ang ruta ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) pagkatapos ng mga konsultasyon sa mga stakeholder kung saan ito ay dahil sa mga alalahanin tungkol sa pagsisikip ng trapiko at pagkagambala sa mga iba pang serbisyo.
Nagpahayag ng mga alalahanin tungkol sa pagsikip ng trapiko at pagkagambala sa ilang serbisyo ang City of San Jose del Monte (SJDM) sa bulacan kung saan nais ng lokal na pamahalaan na i-realign ang ruta ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).
Sinabi ni SJDM Mayor Arthur Robes na ang mga pagsasaalang-alang upang i-reroute ang MRT-7 mula sa inisyal na propose path sa loob ng lungsod ay nagresulta mula sa epektibo at inklusibong mga konsultasyon sa lahat ng mga relevant.
Sinabi ni Robes na ang mga alalahanin mula sa mga nasasakupan ng lungsod ay kinabibilangan ng mga isyu na may kaugnayan sa konstruksyon tulad ng posibleng pagsisikip ng trapiko, pagbaba sa kalidad ng pamumuhay, at pagkagambala sa paghahatid ng mga mahahalagang serbisyo.
Ayon naman kay Transportation Secretary Jaime Bautista Bautista na maaaring maantala ang pagkumpleto ng San Jose del Monte leg ng MRT-7 dahil hinihiling ng mga stakeholder, partikular na ang mga may-ari ng gusali na maaapektuhan ng alignment, na ilihis ang landas ng riles.
Dagdag naman ni Robes na ang kasalukuyang iminungkahing ruta ng tren ay sumusunod sa Quirino Highway, isang pangunahing lansangan na ginagamit ng malaking bilang ng mga commuter na bumabiyahe papunta at pabalik ng Metro Manila.
Batay pa sa Transportation chief na ang SJDM LGU ay nagbigay ng tatlong opsyon para sa posibleng paglilipat ng istasyon ng MRT-7 sa lungsod.
Gayunpaman, ani Robes na ang SJDM LGU ay hindi bahagi ng negosasyon hinggil sa mga isyu sa right of way na nakakaapekto sa proyekto.