DFA, NAGHAIN NG PROTESTA LABAN SA FISHING BAN

Manila Philippines — Naghain ng diplomatikong protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa unilateral fishing ban ng China  apat na buwang fishing ban na ipinataw ng China sa bahagi ng South China Sea.

Tatagal ng apat ng buwan ang unilateral fishing ban ng China na nagsimula noong May 1, 2024 at magtatapos  hanggang sa September 16, 2024.


Epektibo ang naturang fishing moratorium sa bahagi ng South China Sea, kabilang na ang bahagi na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas na patuloy na inaangkin ng China.

Giit ng DFA, magreresulta lamang sa pagtaas ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ang fishing moratorium, at sumasalungat daw ito sa kung ano ang napagusapan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping.

“…the unilateral imposition of the fishing moratorium raises tensions in the West Philippine Sea and the South China Sea, and directly contravenes the understanding between President Ferdinand R. Marcos Jr. and Chinese President Xi Jinping to manage differences through diplomacy and dialogue and to de-escalate the situation at sea,” sabi ng DFA sa isang pahayag.

Pinatitigil din ng DFA ang mga ilegal na aktibidad ng China na labag sa soberanya, karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas sa teritoryong sakop nito.

“The Philippines called on China to cease and desist from the conduct of illegal actions that violates the Philippines’ sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in its maritime zones,” dagdag pa ng DFA.

Ang P1NAS (Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya) malaki umano ang epekto ng fishing ban sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS.

“China’s fishing ban is an outright assault on the rights and welfare of our fisherfolk in the West Philippine Sea,” ani  P1NAS spokesperson Antonio Tinio sa isang pahayag.

Nananawagan din ang grupo sa administrasyong Marcos na pairalin ang independent foreign policy na magbibigay prayoridad sa soberanyan, integridad at interest ng mga Pilipino.

BASAHIN: BAGONG REGULASYON NG CHINESE COAST GUARD, IKINABABAHALA NG DFA

Base sa pinal at umiiral na 2016 Arbitral Award on the South China Sea, labag sa Article 56 ng 1982 Un Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang fishing moratorium ng China.

Hindi rin daw sakop ng fishing ban ng China ang soberanyang nakapaloob sa EEZ ng Pilipinas.

 “without exception for areas of the South China Sea falling within the exclusive economic zone of the Philippines and without limiting the moratorium to Chinese flagged vessels, breached Article 56 of the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) with respect to the Philippines’ sovereign rights over the living resources of its exclusive economic zone,” saad sa pinal na 2016 Arbitral Award on the South China Sea.

As of May 27, 2024, umabot na sa 25 protesta ang naihain ng gobyerno ng Pilipinas laban sa China, at sa kabuuan mayroon nang 158 protesta ang naihain sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this