Bohol, Philippines — Isinailalim sa preventive suspension ng Office of the Ombudsman si Bohol Governor Erico Aris Aumentado at 68 iba pang opisyales kaugnay sa itinayong resort sa gitna ng Chocolate Hills.
Mismong si Aumentado ang nag-anunsyo na isinailalim sila sa anim na buwang preventive suspension alinsunod sa utos ni Ombudsman Samuel Martires.
“Samtang gipa ilawom ako ug ang laing 68 ka mga opisyales sa probinsiya sa preventive suspension sulod sa unom ka bulan, akong hangyo sa mga kauban natong empleyado sa kapitolyo nga magtinarong ta sa atong trabaho,” ani Aumentado sa kanyang pahayag.
[Habang ako at ang iba pang 68 na opisyal sa lalawigan ay nasa ilalim ng preventive suspension sa loob ng anim na buwan, hinihiling ko sa ating mga kapwa empleyado sa kapitolyo na maging patas sa ating trabaho.]
Maliban kay Aumentado, sinuspinde rin ang mga dating Bohol governor, vice governor, mayors, vice mayors, at mga barangay official.
Gayundin ang ilang national officials mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Office of Civil Defense (OCD), at Philippine National Police (PNP).
Nagviral sa social media ang itinayong Captain’s Peak Garden and Resort sa Sagbayan, Bohol.