Manila Philippines — Ligtas ang Pilipinong crew members ng M/V Laax – isang cargo vessel na inatake ng rebeldeng grupong Houthi sa Red Sea, kinumpirma ito ng Department of Migrant Workers (DMW).
Labin tatlong Pilipino at isang Ukrainian seaman ang lulan ng cargo vessel noong mangyari ang pagatake.
Ipinaalam ng Local Manning Agency (LMA) sa DMW na nagtamo ng damage ang nasabing vessel mula sa apat na missiles na pinakawalan ng Houthi rebels habang binabaybay ng cargo vessel ang Yemeni Coast malapit sa Hodeida kahapon.
“The DMW was informed by the shipping company’s local manning agency (LMA) that the vessel, a bulk carrier, sustained some damage from four missiles launched by Houthi rebels as the ship was traversing the Yemeni coast near Hodeidah late yesterday afternoon (Manila time),” ayon sa pahayag ng DMW.
Nagpapatuloy na umano sa paglalagay ang M/V Laax patungo sa susunod na destinasyon.
BASAHIN: https://x.com/CENTCOM/status/1795599983489524175/photo/1
Patuloy din umano ang komunikasyon ng DMW sa shipping at manning agencies para mamonitor ang kaligtasan at kondisyon ng mga Pilipinong tripulante.
Ipinabatid na rin ng manning agencies sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nangyaring pagatake.
RELATED: DMW: PILIPINONG SAKAY NG SINGPORE AIRLINES, NANANATILI SA ICU
Ayon sa United States (US) military nasa limang missiles ang pinakawalan ng Houthi rebels, pero apat lang ang tumama sa cargo vessel.
Noong nakaraan buwan, pinagbawalan na ng DMW ang pagpapadala ng mga tripulante sa anumang uri ng vessels na dumadaan sa Red Sea at sa Gulf of Aden, bunsod na rin ng pag-atake ng mga rebeldeng grupo.
RELATED: FILIPINO CREW OF MSC ARIES, AMONGST RELEASED BY IRANIAN — DMW