DPWH, NAGSAGAWA NG CLEARING OPERATIONS SA GUMUHONG GUSALI SA GENSAN MATAPOS ANG LINDOL
General Santos City, Philippines — Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang clearing operations sa gumuhong gusali na dating kinatatayuan ng isang fast-food chain at himpilan ng radyo sa General Santos City matapos ang 7.8-magnitude na lindol na tumama nitong Lunes.
Ayon sa DPWH, isinagawa ang operasyon kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng tulong hindi lamang sa mga apektadong residente kundi maging sa mga pribadong establisimyentong napinsala ng malakas na pagyanig.
Iniutos ni Vince Dizon ang agarang pagdeploy ng mga heavy equipment upang mapabilis ang pagtanggal ng mga debris at iba pang kalat mula sa gumuhong gusali.
Patuloy naman ang koordinasyon ng DPWH sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mapabilis ang rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.