1.5K LUMIKAS SA NEGROS OCCIDENTAL MATAPOS SUMABOG ANG KANLAON

NEGROS,PHILIPPINES- Umabot na sa kabuuang 1,562 indibidwal o 210 pamilya sa lalawigan ng Negros Occidental ang inilipat sa mga evacuation center kasunod ng pagputok ng Kanlaon Volcano nitong Lunes,
(June 3), ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Batay sa ulat nitong alas-6 ng umaga, sinabi ng PDRRMC na ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon ay nakaapekto sa 84 na barangay sa 10 lungsod at munisipalidad.

Hindi pa matukoy ng konseho kung may mga nasawi o mga taong nawawala dahil sa aktibidad ng bulkan kamakailan.

Ang buong lalawigan ng Negros Occidental ay isinailalim ng PDRRMC sa “Blue Alert” ilang oras matapos ang pagputok ng Kanlaon Volcano.

Sa La Castellana, Negros Occidental, sinabi ni municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) head John de Asis na 842 katao ang inilikas.

Sa Canlaon City, may kabuuang 397 indibidwal ang naapektuhan, kung saan 155 sa kanila ang kailangang ilipat sa mga evacuation center.

Sinabi ni Mayor Jose Chubasco “Batchuk” Cardenas, sa isang local disaster risk reduction and management (LDRRM) meeting noong Martes, na pinag-iisipan nilang magrekomenda ng deklarasyon para sa state of calamity sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this