BULKANG KANLAON, NAKATAAS NA SA ALERT LEVEL 2

Negros Oriental – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang biglaang pagsabog ng Bulkang Kanlaon ng ika-pito ng gabi na naglabas ng nasa limang kilometrong taas ng plume sa ibabaw ng crater nito.

Ayon sa PHIVOLCS, ang pagsabog ay tumagal ng anim na minuto na sinundan ng malakas na paglindol.

Nakatanggap din ito ng mga ulat ng “coarse ashfall at sulfurous odors” sa mga komunidad sa kahabaan ng western slope ng bulkan.

Ang antas ng alerto ng Bulkang Kanlaon ay itinaas mula 1 hanggang 2, bilang resulta ng pagsabog nito.

Samantala, nasa isang daang mga tao na ang nailikas sa mga bayan ng Canlaon, Negros Oriental matapos sumabog ang Bulkang Kanlaon.

Nagbabala naman ang mga experto sa mga kalapit na residente na magsuot ng facemask dahil sa banta ng mga nilalabas na gas ng bulkan at pagbagsak ng abo.

Gayunpaman, ang publiko at lokal na pamahalaan ay mahigpit na pinapayuhan ang publiko na huwag pumasok sa apat na kilometrong permanent danger zone dahil sa pagtaas ng panganib ng biglaang pagsabog, pagbagsak ng bato, at pagguho ng lupa.

Hiniling din sa mga awtoridad ng civil aviation na payuhan ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil ang abo mula sa anumang biglaang pagsabog ay mapanganib sa sasakyang panghimpapawid.

READ: DSWD VISITS NEGROS ORIENTAL AFTER THE EXPLOSION OF MT. KANLAON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this