KAUNA-UNAHANG TRANS HEALTH SERVICE INILUNSAD SA QUEZON CITY

QUEZON CITY, PHILIPPINES- Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtatampok sa kauna-unahang Trans Healthg Services sa bansa na layong isulong ang pantay na karapatan sa bawat kasarian.

Nilagdaan ni Belmonte at ilang Non Government Organization sa pamumuno ni TLF Share Collective Executive Director Tacing Marasigan tanda ng kanilang pakikiisa para iangat ang kamalayan tungo sa inklusibong pamayanan.

Handog ng programa ang ilang serbisyo-medikal tulad ng free hormone counseling, assessment, at management para sa mga trans people na nais magpakonsulta.

Ayon kay Belmonte, layon ng lokal na pamahalaan na bumuo ng komunidad na may respeto para sa lahat.

“Trans Community, QC is your ally! Kaya naman, buong suporta si Mayor Joy Belmonte sa paglulunsad ng Trans* Health QC kung saan mas mailalapit sa mga

trans brother and sister natin ang access to health services tulad ng free hormone counseling, assessment, at management,” ayon kay Belmonte.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang alkalde sa organisasyong nakatuwang sa pagsasagawa ng programa partikular ang TLF Share, Trans* Health Philippines, USAID, at Philippine Professional Association for Transgender Health.

Samantala, binigyang diin ni Marasigan na patunay ang programang ito ng Quezon City sa kanilang dedikasyon na maglaan ng mga hakbang at plano para sa sektor ng LGBTQIA+.

“The partnership underscores Quezon City’s dedication to advancing transgender health and rights services, solidifying its position as a leader in progressive and inclusive governance,” ani Maradigan.

“The ceremonial signing not only signifies the start of this vital collaboration but also represents a substantial leap towards the progressive

realization of transgender and gender-diverse people’s right to health. This initiative serves as a testament to Quezon City’s commitment to fulfilling the promise of healthcare for all.” dagdag pa nito.

Sa June 22 gaganapin ang PridePH Festival 2024 “LOVE LABAN 2” sa Quezon Memorial Circle ng Lungsod.

One thought on “KAUNA-UNAHANG TRANS HEALTH SERVICE INILUNSAD SA QUEZON CITY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this