US, JAPAN, FRANCE NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA PH VS PANGHAHARAS NG CHINA

Manila Philippines — Nagpahayag ng suporta ang gobyerno ng Estados Unidos, France at Japan sa Pilipinas kaugnay sa pinakabagong panghaharass ng mga barko ng People’s Republic of China laban sa milirar ng bansa sa Ayungin Shoal.

Sa pinakahuling re-supply mission na isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) muling hinarang ng mga China ang tropa ng militar na maghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre.

Nagpahayag din ng pagkondena ang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas sa mapanganib na pagmamaneobra ng mga barko ng China sa karagatang nakapaloob sa exclusive economic zone ng bansa.

Ang National Security Council, kinondena ang pinakabagong insidente ng panghaharass ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia Vessels na sadyang mapanganib para barko ng Pilipinas.

“We strongly condemn the illegal, aggressive, and reckless actions of the PLA-N, CCG, and CMM. Their actions put at risk the lives of our personnel and damaged our boats, in blatant violation of international law,” giit ni NSC Adviser Secretary Eduardo Año.

Nangako naman ang Department of National Defense (DND) na gagawin ng gobyerno ang kanilang tungkuling upang patuloy na maprotektahan ang integridad, teritoryo at soberanya ng Pilipinas.

“We will exert our utmost in order to fulfill our sworn mandate to protect our territorial integrity, sovereignty, and sovereign rights,” ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa isang pahayag.

Nananawagan naman si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of National Defense (DFA) na dalhin ang issue ng pagharang ng re-supply mission sa International Committee of the Red Cross (ICRC) sa Geneva.

Ayon kay Tolentino, sa tulong ng Geneva Convention maaaring mapadali ang paghahatid ng supply sa mga Navy personnel na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre.

“… the Geneva Convention can facilitate the necessary humanitarian aid to our Navy personnel living in BRP Sierra Madre and would pave the way for the delivery of the needed food supplies by our soldiers therein.

Hoping for your consideration,” saad ni Tolentino sa rekomendasyon na ipinadala nito sa DFA.
Wala pang pahayag dito ang embahada ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this