PAGHAHANAP SA MGA NAWAWALANG TRIPULANTE NG MV TUTOR, PINAGPALIBAN MUNA

Manila Philippines — Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Athens na ipinagpaliban muna ang search and rescue operations sa nawawalang tripulante ng MV Tutor matapos ang pagaatake ng rebeldeng Houthis.

Sa pamamagitan umano ni Ambassador Giovanni Palec sa Athens, sinabi nitong nakipagkita sila sa pamunuan ng MV Tutor at sinabing isasagawa muli ang paghahanap sa mga nawawalang tripulante sakaling madala na sa ligtas na daungan ang nasabing barko.

“Ambassador Giovanni Palec met with the MV Tutor’s shipping principal, who informed Ambassador Palec that search operations for our missing seafarer shall be undertaken as soon as the ship is taken to a safe port,” sabi ni Department of Migrant Workers (DMW) sa isang pahayag.

Wala pang kumpirmasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng pansamantalang pagpapatigil sa search and rescue operations sa nawawalang Pinoy na lulan ng nasabing cargo vessel.

Pero pagtitiyak ng DMW na patuloy ang kanilang koordinasyon sa pamunuan ng nasabing cargo vessels, kasabay ng pag-asang mahahanap pa ang nawawalang Pinoy.

“Meanwhile, we remain hopeful and are in touch with the family of the seafarer,” ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Ipinangako rin ang may-ari ng nasabing Cargo Vessel ang kaligtasa ng nawawalang Pinoy, na pinaghihinalaang trapped umano sa engine room ng barko.

Kahapon, nakauwi na sa bansa ang nasa 21 Pilipinong tripulante ng MV Tutor.

June 12 noong inatake ng rebeldeng grupong Houthi ang MV Tutor habang binabaybay nito ang Southern part ng Red Sea, kung saan dalawang missile ang tumama sa barko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this