TEACHER’S DIGNITY COALITION, NANAWAGAN SA BAGONG KALIHIM NG EDUKASYON

Nagpahayag ang isang grupo ng kaguruan ng mga katangian ng nais sana nilang taglayin ng hahalili, kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Department of Education (DepEd) Secretary.

Ayon sa Teacher’s Dignity Coalition (TDC), bagaman inaasahan na nila ang pag-alis sa puwesto ni Duterte, hindi anila natukoy na mangyayari na ito kahapon.

Gayunpaman, nanawagan si Benjo Basas, National Chairperson ng TDC, kay Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. sa “criteria” ng susunod na itatalaga nito bilang kalihim ng kagawaran.

@benjobasastdc

Reaksiyon sa pagbibitiw ni VP Inday Sara bilang DepEd Secretary.

♬ original sound – benjobasastdc – benjobasastdc

“Una, sana ang susunod na secretary ay hindi na politiko. Hindi na deeply involved doo sa partisan politics,” ani Basas.

Paliwanag niya, dapat panatilihin ng DepEd ang “political neutrality” dahil isa itong “educational institution”.

Bilang pinakamalaking ahensya sa bansa na mayroong higit 1 milyon na tauhan, nais ng TDC na isang “skilled person” ang susunod na maupo sa puwesto.

“Pangalawa, whoever na i-appoint ng ating presidente, sana magaling na manager. Because that person could manage the entire democracy of the Department of Education,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin din ni Basas na kailangang magmula sa larangan ng edukasyon ang susunod na itatalagang kalihim.

READ: VP DUTERTE RESIGNS AS EDUCATION CHIEF, VICE CHAIRMAN OF NTF-ELCAC

“Lastly, hihingiin namin sana ang criteria na ilagay po ay isang teacher. Ibig sabihin po namin ng teacher, somebody from the academe. Marami naman po tayong persons d’yan. Even sa DepEd, yung mga nakaupo natin ngayon na mga other secretaries. Marami po d’yan ay experienced teachers.

Kasabay ng mga hinaing na ito, sinigurado ng grupo na mananatiling buo ang kanilang suporta sa kagawaran sakaling magkaroon na ng bagong kalihim ang DepEd.

Sa ngayon, wala pang nakatalaga na  Officer-in-charge (OIC) ang Deped sa pag-alis ni Duterte sa July 19 matapos ang 30-day transition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this