DILG, NANAWAGAN SA LGUs SA PAGGAMIT NG CALAMITY FUND

WESTERN, VISAYAS – Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Western Visayas sa mga Local Government Unit(LGUs) na maging maingat sa paggamit ng kanilang calamity funds.

Ayon kay DILG VI Regional Director Juan Jovian Ingeniero, mahalagang subaybayan ang disbursement at fund management ng Quick Response Fund (QRF) upang matiyak na handa ang mga LGUs sa mga darating pang kalamidad.

Sinabi rin ni Ingeniero ay binigyan na nito ng direktiba ang kanilang field offices na bantayan ang paggamit ng QFR.

Naglabas na ng memorandum circular si DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. upang paalalahanan ang mga lokal na pamahalaan na gamitin nang maayos at epektibo ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF), lalo na’t kalahati pa lamang ng taon ang lumilipas.

Binigyang-diin din ni Ingeniero na dapat gamitin ng mga LGUs ang kanilang pondo base sa kanilang pangangailangan.

Dagdag pa nito na may mga contingencies na kailangan nilang paghandaan. Hindi lamang ang La Niña kundi pati na rin ang ibang kalamidad tulad ng sunog, pagbaha, at iba pa, kaya marapat lamang na maging maayos ang pagkakabahagi ng QFR.

Sinabi din ni DILG Local Government Operations Officer II Daniel Jade Jardiolin, sa ikalawang quarter meeting ng RDRRMC noong Huwebes, naglabas ng memorandum ang DILG na humihiling sa mga LGUs na isumite ang kanilang ulat sa paggamit ng LDRRMF bilang paghahanda sa La Niña. Inilabas ang memorandum na ito noong Mayo 30, 2024.

Aniya mahigit 50% na ng kanilang LGUs ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño. Dagdag pa nito na ang lahat ng kanilang LGUs ay nakapagsumite na ng kanilang ulat sa central office.

Sa nasabing pagpupulong, ipinahayag ni Cindy Ferrer, officer-in-charge ng Civil Defense Operations section, na 71 LGUs sa rehiyon ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño, kabilang ang Iloilo at Antique na nagdeklara ng provincewide state of calamity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this