ILOILO CITY – Patuloy na pagdami ng mga naitalang kaso ng dengue sa Kanlurang Visayas ay ang patuloy din na paghimok na maging alerto ang mga residente ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO).
Samantala, muling ibinaba ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) para masugpo ang patuloy na pagdami ng kaso sa mga lalawigan na ‘nagdulot ng limang pagkamatay na may 79 na porsiyentong higit na mataas na inihalintulad sa parehong panahon nitong nakaraang taon’.
Ani ni IPHO chief Dr. Maria Socorro Quiñon nitong Huwebes, 43 local government units ng lalawigan ang nagsulong at naki-isa sa Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD), kabilang ang bayan ng Lambunao na may 87 kaso ng dengue at may isang namatay.
Naitala simula unang araw ng Enero hanggang Hunyo 22, na may kabuuang dami na 1,294 ang kaso ng dengue ngayong taon sa Kanlurang Visayas.
Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay inatasan ang lahat ng kapitan ng barangay na bigyang buhay muli ang ABKD, hakbang o pagsasagawa ng regular na clean-up drives upang wasakin ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok./ Kaye Perez