BIR MAGLULUNSAD NG CRACKDOWN VS. FAKE PWD ID USERS

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paglulunsad ng malawakang crackdown laban sa pagbebenta at paggamit ng pekeng person with disability (PWD) ID cards.

Umabot kasi sa higit P88 bilyon ang revenue losses ng gobyerno noong 2023 dahil sa modus na ito.

Sa value-added tax (VAT) exemption at 20% discount na para sa mga tunay na PWD ay sinabi ng BIR na marami ang gumagamit ng pekeng ID para makakuha ng mga benepisyong ito.

Ang mga pekeng ID umano ay madaling mabili sa mga kalye at online.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., makikipagtulungan ang ahensya sa iba’t ibang government agencies para pigilan ang paggamit ng fake PWD IDs.

Sinabi rin niyang ang mga indibidwal na sangkot dito ay hindi lang gumagawa ng tax evasion kundi hindi rin iginagalang ang karapatan ng mga tunay na PWD.

“People who sell and use fake PWD IDs are not only committing tax evasion, they are also disrespecting legitimate and compliant PWDs,” ani Lumagui.

Bilang bahagi ng crackdown, mag-a-audit ang BIR ng mga transaksyon ng PWD discounts mula sa mga establisyimento.

Dito kailangan mag-submit ang mga negosyo ng records ng sales tulad ng pangalan ng PWD, ID number, uri ng disability, at halaga ng discount.

Kapag napatunayang peke ang ID, babawiin ang VAT exemption, papatawan ng penalties, at sisiguraduhing mapapanagot ang mga nasabing pumepeke nito.

Samantala, makikipag-ugnayan din ang BIR sa Department of Health (DOH) at National Council on Disability Affairs (NCDA) para tiyaking lehitimo ang mga IDs na ginagamit.

Share this