Manila, Philippines — Sa unang linggo ng buwan ng Abril, nakatakdang magpatupad ang mga oil firms ng taas-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkakahiwalay na abiso, magtataas ng P1.40 ang kada kilo ng gasolina, habang pareho namang madadagdagan ng P1.20 ang singil sa kada litro ng diesel at kerosene.
Para sa Caltex, SeaOil, at Shell Pilipinas, sisimulan ang implementasyon ng taas-singil sa alas sais ng umaga ng Martes, unang araw ng Abril.
Sa parehong oras din ipatutupad ng PetroGazz ang mga paggalaw na ito, maliban lamang sa presyo ng kerosene.
Para naman sa Cleanfuel, alas kwatro pa ng hapon magiging epektibo ang mga price adjustments, maliban din sa presyo ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau, ang malakihang taas-presyo na ito ay iniuugnay sa sanctions ng Estados Unidos sa Iran, taripa, at iba pang geopolitical tensions.