TERESA MAGBANUA NASA PINAS NA TAPOS NG TRILATERAL EXERCISE SA JPN

Manila, Philippines – Nakabalik na ng Pilipinas ang BRP Teresa Magbanua matapos ang matagumpay na pakikilahok ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ikalawang joint trilateral maritime exercise nito kasama ang Japan Coast Guard at U.S. Coast Guard sa Kagoshima, Japan.

Alinsunod ang inisyatibong ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong palawakin ang interoperability ng mga nasabing bansa sa isa’t isa.

Kabilang sa mga nakibahagi rito ay ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ng Pilipinas, JCG vessel, ASANAGI ng Japan, at USCGC Stratton ng Estados Unidos.

Sa inilabas na pahayag ng PCG, bahagi ng pagsasanay ang Communication Exercise (COMMEX), Search and Rescue Exercise (SAREX), Fire Fighting Exercise (FFEX), Photo Exercise (PHOTOEX), at Exercise on Transfer of Personnel na nilahukan ng nasa 123 coast guard members.

Pinalalakas rin ng ugnayan ng tatlong bansa ang inisyatibo at pagresponde sa mga maritime emergencies pati na ang natural dissasters.

Nagsilbi rin itong mahalagang plataporma upang makipagpalitan ng pinakamahuhusay na kagawian, pagbutihin ang operational synergy, at itaguyod ang kaligtasan, seguridad, at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Share this