MANILA, PHILIPPINES – Simula sa unang araw ng Hunyo (June 1) epektibo na ang toll rebate sa mahigit 950 sasakyan na may dalang agri-products, ibig sabihin exempted sila sa anumang toll fee hike na ipatutupad ng mga expressways sa bansa.
Maaaring makatipid ng P2 hanggang P30 ang mga sasakyang dadaan sa SMC Tollways-operated toll roads, P16 hanggang P156 naman para sa MPTC-operated expressways.
Ayon sa TRB ang mga nabanggit na toll fee discounts ay depende pa rin sa distansya at kinabibilangan nilang vehicle class.
READ: TOLL REBATE FOR AGRI-TRUCKS TO BE IMPLEMENTED ON JUNE 1
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang toll rebate ay malaking tulong sa mga nagbebenta at nagdadala ng produktong agrikultura sa mga pamilihan.
Kung saan maaari rin daw nitong mapababa ng presyo ng bigas, gulay, isda, at karne.
Bukod sa SMC at MPTC kabilang din sa toll rebate ang Manila Cavite Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Muntinlupa Cavite Expressway (MCX), at South Luzon Expressway (SLEX).
Katuwang naman ng TRB, Department of Agriculture (DA), at Department of Transportation (DOTr) sa programang ito ang Department of Finance (DOF)
Paalala naman ng TRB sa mga agri-vehicles na dadaan sa mga expressways na siguraduhing mayroon silang valid Autosweep at Easytrip RFID accounts, dapat din daw na accredited sila ng DA
Binigyang diin naman ng Kagawaran ng Agrikultura na isa lang ito sa mga programa na kanilang ginagawa upang mas maging abot kaya ang presyo ng mga produktong pang agrikultura sa mga mamimili.
Gayundin ang patuloy nilang suporta na ibinibigay sa mga magsasaka at mangingisda.