ALAMIN: 11 PARTYLIST GROUPS NA NANGUNA SA MARCH OCTA SURVEY

Manila, Philippines — Sa mas paglapit pa ng araw ng eleksyon, mas nakikilala na rin ang mga kandidatong may mataas na tyansang manalo sa halalan batay na rin sa kaliwa’t kanang election survey.

Nitong buwan ng Marso, 11 partylist groups ang nanguna sa voter preference survey ng OCTA research.

Batay sa March 2025 Tugon ng Masa survey na inilabas ng OCTA research nitong Lunes, nanguna sa survey ang ACT-CIS Partylist na may 8.70% voter preference.

Sinundan ito sa ikalawang pwesto ng Tingog Partylist na may 5.77%; 4Ps na may 5.40% sa ikatlong pwesto; at Ako Bicol sa ikaapat na rango na amy 4.20%.

Batay sa resultang ito ng OCTA, ang apat na partylist na ito ay pasok na makakuha ng tatlong pwesto sa kongreso.

Samantala, narito naman ang pito pang partylist groups na potensyal na makakuha ng pwesto sa kongreso ayon sa ranking sa OCTA survey:

  • Senior Citizens
  • Galing sa Puso (GP)
  • Duterte Youth
  • TUPAD
  • Masalakit@Bayanihan
  • Ang Probinsyano
  • FPJ Panday Bayanihan

Ang pitong partylist groups na ito ay posibleng makakuha ng dalawang upuan sa kongreso.

Isinagawa ang survey noong ika-18 hanggang ika-24 ng Marso na nilahukan ng 1,200 na rehistradong botante nationwide.

Share this