Manila, Philippines — Ngayong Holy Wednesday, kung kailan inaasahan na magsisimula nang mas dumagsa pa ang mga biyaherong gugunitain ang Semana Santa sa kani-kanilang mga probinsya, ibayong pag-iingat po ang paalala ng PAGASA lalo pa at mataas na heat index ang inaasahang viral ngayong araw.
Partikular na nagbabala ang PAGASA sa mga taga-Los Baños, Laguna dahil batay sa 2-day heat index forecast ng ahensya, tinatayang maaaring pumalo sa 50°C ang mararamdamang antas ng init sa lugar ngayong Miyerkules.
Bukod sa Los Baños, may 17 pang mga lugar sa bansa ang nasa ilalim ng dangerous level ng heat index, kung saan maglalaro sa 42°C hanggang 51°C ang mararamdamang init.
Sa San Ildefonso, Bulacan, posibleng pumalo sa 47°C ang heat index; habang 44° C naman sa Hacienda Luisita, Tarlac City; Sangley Point, Cavite City; at sa Ambulong Tanauan, Batangas.
Samantala, inaasahan naman ang 43°C na heat index sa:
- Echague Isabela;
- Baler, Aurora;
- Catarman, Northern Samar
Habang 42°C naman sa:
- NAIA, Pasay City;
- Tuguegarao City, Cagayan;
- Iba Zambales;
- Clark, Pamapanga;
- Coron, Palawan;
- San Jose, Occidental Mindoro;
- Pili, Camarines Sur;
- Roxas City, Capiz;
- Iloilo City, Iloilo;
- Dumangas, Iloilo
Sa ilalim ng level ng heat index na ito, posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion, habang ang patuloy na exposure ay posibleng magresulta sa heat stroke.
Kaya naman sa inaasahang mataas na heat index, pinaaalalahanan ang publiko na iwasan ang paglabas kung hindi importante, ugaliin ang pag-inom ng tubig, pagsusuot at paggamit ng mga panglaban sa araw, at iba.