Valenzuela City – Mariing ipinatupad sa lungsod ng Valenzuela ang pagbabawal sa pag detain ng isang indibidwal at hindi pagbibigay ng Birth o Death certificate dahil sa hindi pagbabayad ng Healthcare fees at Medical bills.
Mahigpit na ipinatupad sa valenzuela city ang pagbabawal sa palit-ulo o anti-hospital detention ordinance matapos na lumitaw ang ibat-ibang reklamo patungkol sa isang hospital sa lungsod.
Gayunpaman, ang mga pasyente sa lungsod o kanilang representative ay kinakailangang magpasa ng isang notarized promissory note sa Health Care Institution at Health Care Worker alinsunod sa Republic Act No.9439.
Maaaring managot at magmulta ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa.
Sa unang paglabag maaaring suspenduhin ang business permit ng isang hospital sa loob ng 3O araw at pagmultahin ito ng halagang P200,000.
Maaari namang umabot sa 60 araw ang pagkasuspinde ng business permit ng isang hospital sa panaglawang paglabag at maaaring magmulta ng halagang P300,000.
At sa ikatlong paglabag ay ang pagkasuspinde ng kanilang business permit at magmumulta ng halaga na aabot sa P400,000.