Sinimulan na ng Civil Service Commission (CSC) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Career Servive Examination Pen and Paper Test (CSE-PPT) for professional and subprofessional levels sa Marso 2025.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, kinumpirma ng CSC na nagbukas na ang application period ng naturang exam noong Martes, ika-19 ng Nobyembre at magtatagal hanggang sa ika-3 ng Enero 2025.
Ang naturang pagsusulit ay nakatakdang ganapin sa ika-2 ng Marso sa susunod na taon.
Kaugnay nito, paalala ng CSC na ang aplikasyon ay “first come, first-served basis”. Maaari naman magsara ng maaga ang aplikasyon sa mga regional offices kapag naabot na nito ang target na bilang ng mga aplikante.
Narito naman ang mga kwalipikasyon para sa mga aplikanteng nais kumuha ng naturang pagsusulit:
- Filipino citizen
- At least 18 years old on the date of filing of application
- Of good moral character
- Has not been convicted by final judgment of an offense or crime involving moral turpitude, disgraceful or immoral conduct, dishonesty, examination irregularity, drunkenness, or addiction to drugs
- Has not been dishonorably discharged from military service or dismissed for cause from any civilian position in the government
- Applicants should not have taken the same level of the Career Service Examination, either through PPT or Computerized Examination, within three months before the date of the exam, or from December 2, 2024, to March 1, 2025.
Para sa mga pasok sa mga kwalipikasyong ito, mangyari lamang na ihanda ang mga kinakailangang requirements para sa aplikasyon at para makakuha ng exam:
- Fully accomplished application form (CS Form No. 100, Revised 2023 – Career Service-Professional/Career Service-Subprofessional) available in CSC Regional/Field Offices, or can be downloaded from the CSC website and printed on legal size bond paper
- Four copies of passport-size ID pictures with handwritten name tag legibly showing signature over printed full name
- Original and photocopy of any of the valid ID cards accepted for the civil service exam
- Examination fee of P500
Samantala, limited applications lamang ang tatanggapin ng CSC mula ika-16 hanggang ika-27 ng Disyembre 2024 para bigyang-daan ang mga isusumiteng year-end reports at programs.