Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa inaasahang buhos ng mga pasahero ngayong holiday season, sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Booard (LTFRB) ang special permit application para sa mga public utility vehicles (PUVs).
Sa anunsyo ng LTFRB nitong unang araw ng Disyembre, magsisimulang tumanggap ang ahensya ng aplikasyon para sa special permits sa ika-15 ng Disyembre, bilang parte ng pagsisiguro na mayroong sapat na bilang ng mga PUVs na babyahe ngayong kapaskuhan.
Para sa mga makakapag-apply para sa Chistmas special permits, epektibo ito mula ika-20 ng Disyembre hanggang ika-4 ng Enero 2025.
Samantala, binuksan naman noong nakaraang linggo ng LTFRB ang special permits para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) ng ahensya, kung saan 5,000 slots ang naaprubahan.
May paalala naman ang LTFRB para sa mga mananakay, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Kabilang na rito ang maagang pagpaplano ng magiging byahe, pagtangkilik sa mga lehitimong pampublikong transportasyon, pagsunod sa mga safety protocols, pagiging alisto, at ligtas ngayong holiday season.