BAGONG DEPED CHIEF, HINAHAMONG TUGUNAN ANG ROTC, K-12 PROGRAM

Manila Philippines — Malugod na tinanggap ng kinatawan ng mga guro sa kongreso ang pagtatalaga kay Senator Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DEPED).

Ayon kay Assistant Minority Leader at Alliance of the Concerned Teachers (ACT Teachers) na si Representative France Castro, hinahamon nila si Angara bilang kalihim ng kagawaran ng edukasyon na tugunan agad ang lumalalang education crisis sa bansa.

Gayundin ang matagal nang panawagan ng mga guro at mga non-teaching personnel.

“While it is good that a new DepEd Secretary has been named, we challenge Sen. Sonny Angara to hit the ground running and immediately address the education crisis in our country as well as the long-standing demands of teachers and education support personnel,” ani Castro sa isang pahayag.

Para naman sa Gabriela Women’s Party, dapat daw ilatag ni Angara ang konkretong solusyon sa mga patong-patong na problema ng mga mag-aaral, mga guro at ng buong edukasyon na bigo umanong matugunan ni Vice President Sara Duterte.

“The change in leadership at DepEd must not be mere musical chairs. Secretary Angara must provide concrete solutions to the myriad problems facing our students, teachers, and the entire education system which VP Sara Duterte refused to address,” ani Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas.

Pero giit ni Brosas, bukod sa K-12 program dapat din umanong tiyakin ni Angara ang kalidad na edukasyon at hindi ang umano’y militarisasyon sa pagpapatupad ng mandatory Reserved Officer Training Corps (ROTC) na siyang suporta ng bagong talagang kalihim.

Panawagan naman ng Kabataan Partylist, dapat nang ibasura sa ilalim ng pamumuno ni Angara ang K-12 program na bigong magbigay ng kalidad na edukasyon sa bansa.

“Matagal na nating panawagan na alisin na ang programang ito, anuman ang maging dikta ng Malacañang, kahit pa si Sen. Angara ay dating author ng K-12 program,” sabi ni Kabataan Representative Raoul Manuel.

Hamon pa ng Makabayan Coalition sa bagong kalihim ng DEPED, ang agarang pagtugon sa kakulangan ng classrom sa bansa at pagreview sa curriculum kabilang na ang mga regulasyon sa mga eskwelahan.

BASAHIN: MAKABAYAN BLOC NAGHAIN NG HOUSE RESOLUSYON VS SA US GOV’T

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this