Manila Philippines — Naghain ang Makabayan Bloc ng house resolution 1773 upang siyasatin ang US Government sa patagong Anti-Vaccine campaign nito.
Kinondena ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ang pamahalaan ng Estados Unidos lalo na ang Pentagon, pagsa-sagawa umano ng undercover na anti-vaccine na naglalayon na sirain ang China nong kasag-sagan ng COVID-19 Ang mga balitang ito ay labis na ikina-alarma ng pamahalaan at kailangan ng agarang imbistigasyon.
Samatala, ang ginawang lihim na operasyon umano ng US militar ay naglalayong paghinalaan ng mga lubhang apektado ng pandemya kabilang na ang Pilipinas.
Napatunayan naman sa ilang reports na mahigit tatlong-daang pekeng account ang nagpapakalat ng mensahe at hashtag na #Chinaangvirus.
Ang kampanyang ito ay ikinabahala ng mga mamamayan na matakot sa pagbabakuna at naging sanhi sa pagkamatay ng iilan.
Nanawagan din si Castro sa kamara para makipagugnayan sa mariinang imbestigasyon sa nasabing kompanya.
Ang Pilipinas ay kasama sa lugar na naapektuhan ng nasabing kompanya, at sila ang nakaatang upang alagaan ang kakusugan ng mamamayan, dagdag pa ng mambabatas.