Quezon City, Philippines – Inihanda na ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) ang mga bagong equipment na gagamitin para sa emergency response at bilang bahagi ng pamahalaang lungsod sa disaster preparedness.
Layon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na mas mapabilis ang pagbibigay ng epektibong emergency response sa mga residenteng nangangailangan ng tulong na maaaring maapektuhan ng kalamidad o sakuna.
Isa naman sa mga emergency response equipment na inihanda ng QCDRRMO ay high angle equipment, shoring equipment, water rescue equipment, vehicular extrication equipment, searching and breaching equipment, at jump cushion.
Dagdag pa rito, mayroon ding mga sasakyang pangresponde tulad ng fiber boats, LUF 60 unmanned firefighting machine (remote-controlled), rescue pickup, rescue truck, ambulance na may advanced life support, at man lifter, na gagamitin sa mga insidente. —Maren Calo, Contributor