BALLOT FACE PARA SA 2025 ELECTION, IPINAKITA NG COMELEC

Manila, Philippines – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilan sa mga template ng balota na gagamitin para sa 2025 Midterm Elections.

Ang template na ipinakita ay para sa overseas at local absentee voting kung saan isa ang mga ito sa magsisilbing basehan para sa opisyal na pag-iimprenta ng mga balota.

Makikita na ang mga pangalan ng mga kandidato sa balota ay ipi-print gamit ang bold na font upang mas madali raw ito makita.

Dinagdagan din ang seguridad ng disenyo sa pamamagitan ng mas mahusay na color schemes at security marks.

Natapos naman na ang kabuuang 1,667 iba’t ibang template ng balota, ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco.

Nakatakda ding simulan ang pag-iimprenta ng higit 70 milyong balota ngayong Lunes, Enero 6.

Share this