Negros Occidental – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagtaas ng seismic activity sa Bulkang Kanlaon nitong hapon ng ika-26 ng Mayo.
Naiulat ng PHIVOLCS na 24 na volcanic-tectonic earthquakes ang na monitor sa pamamagitan ng Kanlaon Volcano Network.
Ang mga lindol na ito ay may lakas mula 0.8 hanggang 2.3 at naganap sa lalim na 0 hanggang 6 na kilometro sa ilalim ng kanlurang bahagi ng Kanlaon volcanic edifice.
Ang pinakahuling pagsukat ng sulfur dioxide gas emission mula sa summit crater ng bulkan noong ika-26 ng Mayo ay nagpakita ng average na 2,003 tonelada bawat araw.
Samantala, ang mga pagmomonitor sa mga nakaraang buwan na pare-parehong nagpapakita ng mababaw na hydrothermal activity, ang patuloy ng aktibidad ng lindol sa VT ay nagpapahiwatig ng mababaw na rock-fracturing sa edipisyo ng bulkan, na maaaring humantong sa higit pang kaguluhan.
Sinabi naman ng PHIVOLCS na mananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Kanlaon.