Masbate City – Nailigtas naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa apat na pu’t walong mga indibidwal sa isang motorboat sa Claveria, Masbate matapos itong tumaob sa tubig.
Ang motorbanca na ito ay nakaengkwentro ng sama ng panahon at tinamaan ng malalakas na alon sa karagatan habang naglalakbay sa katubigan ng Brgy. PenafraƱcia na nagdulot ng pagtaob nito.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan at awtoridad ng PCG mula sa Aroroy municipal disaster risk reduction and management office.
Ang mga nasagip na indibidwal ay dinala sa rural health unit sa Aroroy para sa karagdagang medikal na pagsusuri.
Samantala, pinayuhan naman ng PCG ang mga sasakyang pandagat na iwasang maglayag sa dagat dahil sa delikadong tropical cyclone na Aghon.