Manila Philippines — Nanindigan ang gobyerno ng China na ginawa lamang ng kanina Coast Guard personnel ang nararapat na aksyon laban sa tropa ng militar at ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Hindi bababa sa siyam na tauhan ng Philippine Navy ang nasugatan dahil panghaharass, pang-aagaw ng baril at pananakit ng mga CCG personnel sa kasagsagan ng resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin.
Tinawag ng Foreign Ministry ng China, ilegal ang ‘resupply mission’ ng Pilipinas.
Bahagi lamang daw ng pagpapatupad ng batas sa South China Sea ang ginawa ng mga tauhan ng China Coast Guard.
” The law enforcement action taken by China Coast Guard on the scene was professional and restrained and aimed at stopping the illegal “resupply mission,” ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian.
BASAHIN: DFA, TINULIGSA ANG AGRESIBO, ILLEGAL NA PANG-AAGAW NG BARIL NG CHINA
Itinanggi rin ng China na hindi sila nanakit sa mga tauhan ng Pilipinas, at inakusahan na nagdadala ng mga construction materials a BRP Sierra Madre.
“China Coast Guard didn’t take direct measures against the Philippine personnel,” sabi pa ng Chinese Foreign Ministry.
Sa mga larawan at video na ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines, makikita ang paggamit ng dahas ng Chinese Coast Guard personnel sa mga tauhan ng PCG at AFP.
Gayundin ang ilegal na pang-aagaw ng baril sa tropa ng militar.
Makikita rin ang matinding pinsala na idinulot ng CCG personnel sa gamit ng mga militar, kabilang na ang nasaring navigation machine ng isang rigid hall inflation boat ng Pilipinas.
Kahapon naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa gobyerno ng China.