Manila Philippines — Nagpalala ang China sa gobyerno ng Pilipinas na sumunod sa ginawang umanoy ‘goodwill arrangement sa mangingisdang Pinoy na nabuo noong 2016.
Ito ang naging sagot ng Chinese Foreign Ministry hinggil sa 200 sibilyan na lulan ng limang commercial fishing boats na nagtungo sa Scarborough Shoal.
“China made a goodwill arrangement in 2016 for Filipino fishermen to fish with a small number of small fishing boats in the adjacent waters of Huangyan Dao, while China continues to oversee and monitor relevant activities of the Filipino fishermen in accordance with law,” ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin sa isang press conference.
Giit ng China, pag-aari nila ang Huangyan Dao o mas kilala sa Scarborough Shoal.
Mayroon umanong territorial sovereignty at hurisdiksyon ang China sa bahagi ng West Philippine Sea.
Nakahanda rin ang China na protektahan ang kanilang umanoy soberanya sakaling lumabag ang mga mangingisdang Pinoy sa sinasabing goodwill arrangement.
“If the Philippines abuses China’s goodwill and infringes upon China’s territorial sovereignty and jurisdiction, we will defend our rights and take countermeasures in accordance with the law,” Wang added.
Ang Scarborough Shoal o Kalayaan group Island ay may layong 120 Nautical mile mula sa mainland luzon,malinaw na pasok sa exlusive economic zone ng Pilipinas.
Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa umanoy goodwill arrangements ng China.