KAMARA: MASUSING IMBESTIGASYON SA ‘WIRETAPPING OPS’ NG CHINA

Manila Philippines — Tiniyak ng mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na dadaan sa masusing imbestigasyon ng kamara ang sinabing kasusunduan sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Kabataan Partylist Raoul Manuel, dapat matukoy sa pagdinig ng Kongreso kung kailan nagsimula ang nasabing gentleman’s agreement at ang wiretapping operation na ginawa ng Chinese Embassy sa Manila.

“… we sense ng mga gantinong hearings antas komite kaya mainam na matuloy yan sa lalong madaling panahon para masettle na talaga ang detalye kaugnay ang gentlemen’s agreement kasi d-discuss doon kailan pa sya nagsimula,” ani Manuel sa isang press conference.

Giit pa ng mambabatas, kailangang lumabas sa imbestigasyon kung nakarating nga ba sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing kasunduan.

“… ano yung duration at spilled ba yan into Marcos Jr. administration. Yung mga ganon, masasagot yan kapag naupuan ng ibang miyembro ng kamara,: dagdag pa ni Manuel.

Una nang nagbabala ang Department of National Defense at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maaaring mapatalsik ang sinumang sangkot sa wiretapping na isang paglabag sa batas ng Pilipinas.

Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nagsabing paiimbestigahan sa Kamara ang wiretapping incident at ang sangkot sa gentlemans agreement.

Sa hiwalay na bersyon ng Senado, inihain ni Senator Francis Tolentino kahapon ang Resolution na naglalayon ipatawag sa Senate Committee on National Defense ang mga sangkot sa wiretapping incident.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this