MANILA PHILIPPINES – Pinaplano raw ng China na magtayo ng floating nuclear plants sa South China Sea para suportahan ang kuryente sa mga military facility nito duon.
READ: PCG INTENSIFIES DEPLOYMENT OF MARITIME GROUPS IN PH WATERS
Ayon kay United States Indo-Pacific Command Adm. John Aquilino inanunsyo raw ito ng Chinese state media na target ng Beijing na gamitin ang naturang proyekto para palakasin ang kontrol nito sa disputed waters.
Nitong mga nakaraan ang China ay lalong ipinagpipilitan ang karapatan sa mga tubig malapit sa Japan, Taiwan, at Pilipinas. Bilang tugon, ang mga bansang nabanggit at ating mga kaalyado ay naging mas mapagbantay kaysa dati sa pagtuklas ng mga potensyal na banta.
Ang pinakabago ay ang umano’y lumulutang na nuclear power reactor ng China, na umuunlad mula noong 2010.
Ang naturang sea based nuclear plant ay makakatulong upang patatagin ang pananakop ng China sa iba’t ibang artipisyal na isla na itinayo at militarized nitong mga nakaraang taon sa maritime area.