ORANGE AND LEMONS, FRANCINE DIAZ TRENDING ONLINE!

Manila Philippines — Trending sa X app ngayon ang pangalan ng aktres na si Francine Diaz matapos umano nitong magpakita ng hindi magandang asal sa bandang Orange and Lemons sa isang show sa Occidental Mindoro.

Ayon sa post ni @AsiasTweetyBird sa kanyang x account, sinabi nito na si Francine ay dapat last appearance sa nasabing show. Nag sakit-sakitan umano ang aktres upang maka uwi na kaya sinabihan nito ang kanyang road manager na isingit sya na wala man lang pasabi sa banda na nagsa sound check na ng mga oras na yon.

Sa video, makikita na habang nagse set up ang banda ng orange and lemons ay tinawag bigla ng emcee ang aktres. Makikita rin na tila nagkaroon ng confusions sa stage dahil sa biglang pagsabi ni Chin ng “can we play the music?”

Dahil sa nangyaring ito ay samu’t-saring reactions ang nakuha nito sa netizen. Isa na sa nagsalita tungkol sa issue na ito ang singer na si Ice Seguerra.

Ayon sa comment nito, sinabi nya na hindi umano dapat magpalit ng line up dahil disrespectful ito sa ibang artists. Kailangan rin umano ng communications para rito.

Samantala, naglabas naman ang ina ni Francine ng statement tungkol sa nangyari. Ayon sa ina nito na si Merdick Diaz, ay humihingi ito ng respeto sa tao. Hindi raw ito pwedeng manahimik na lamang.

Samantala, wala pa ring inilalabas na statement ang banda ng orange and lemons maging ang coordinator ng nasabing event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this