DALAWANG PINOY SA KUWAIT, NANANATILI SA ICU

Manila Philippines — Nananatili sa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital sa Kuwait ang dalawa pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na kabilang sa mga nasaktan dahil sa sunog na sumiklab sa isang gusali kapahon.

Kinumpirma ng Migrant Workers Office (DMW) na tatlo sa 11 OFW ang nasawi dahil sa insident.

Ayon kay DMW Hans Leo Cacdac nasa maayos na raw na kalagayan ang anim na Pinoy, kasabay ng pagtitiyak sa repatriation ng mga labi ng nasawing Pilipino dahil sa sunog.

““We are in touch with the families of all the affected OFWs, including the families of those two in critical condition and the families of the three fatalities. Six of them are now safe and provided with their immediate needs,” ani Cacdac

Ang tatlong nasawi ay sina Jesus Lopez, Edwin Petilla and Jeffrey Catubay na pawang construction worker sa gusaling nasunog.

Patuloy ang monitoring ng DMW sa sitwasyon ng dalawang pang nasa ospital.

“Two other OFWs remain in the hospital and are in critical condition, while the remaining six are all safe and unharmed,” ayon kay Cacdac.

Ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio nakikipagunayan na sila sa Philippine Embassy sa Kuwait para sa agarang paglilikas ng mga labi ng nasawing OFW.

“Rest assured that we will extend all the necessary assistance the families of our OFWs who are affected by this kind of situation. We’re very quick on acting on the needs of our OFWs. In fact, the repatriation of their remains is already being processed,” ayon kay Ignacio sa isang panayam sa telebisyon.

49 na katao ang nasawi dahil sa insidente na sumiklab noong Miyerkules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this