DEPED REFORM AGENDA, SUPORTADO NG MGA STAKEHOLDERS; PISA 2025, TUMAAS

Pinangunahan ni Department of Education Secretary Sonny Angara ang pagtitipon ng mga pampubliko at pribadong sektor sa larangan ng edukasyon upang pormal na talakayin ang mga reporma upang mapabuti at mapalakas ang resulta ng edukasyon matapos ang mahalagang pag-angat ng Pilipinas sa resulta ng 2025 Programme for International Student Assessment (PISA).

Sa isang pahayag na inilabas ng kagawaran, binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng mga guro, magulang, pamahalaang lokal, at mga kasapi ng pribadong sektor upang matiyak ang tagumpay sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Layunin ng mga reporma na palakasin ang foundation skills ng mga mag-aaral sa pagbabasa, mathematics at science.

Kasabay ng pagpapatibay ng suporta mula sa mga stakeholder, patuloy rin ang DepEd sa pagpapatupad ng mga interbensyon programa tulad ng “PISA for Schools” upang mas mailapit sa mga paaralan ang mga pamantayan ng international assessments.

Sa pamamagitan ng pinag-isang layunin ng pamahalaan at ng komunidad, pinalakas ng DepEd ang kumpiyansa na ang mga kasalukuyang hakbang ay maghahatid ng tuloy-tuloy na pagbabago at mas magandang kinabukasan para sa mga estudyanteng Pilipino.

Nakiisa sa pagpapatibay ng suporta ang mga pangunahing ahensya at samahan tulad ng: Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), National Association of Public Secondary School Heads, Inc. (NAPSSHI), Teacher Education Council (TEC), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Philippine Business for Education (PBEd), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).—Krizza Mae Lauren, Contributor

Share this