DIPLOMATIC PROTEST LABAN SA CHINA INIHAIN NG DFA

Manila Philippines — Inakasyunan ng Department of Foreign Affairs ang ginawang panghihimasok ng China sa Philippine vessel at naghain ng Diplomatic Protest ang Pilipinas laban sa China.

Kinumpirma naman ni Philippine Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo sa kanyang pahayag na noong nakaraan Linggo pa nila naihain ang Diplomatic protest laban sa China.

Nabanggit naman ni Manalo na nakapag usap na sila ni Chinese Ambassador Huang Xilian ngunit hindi ibinahagi ni Manalo sa kongreso ang kanilang napagusapan.

Sa kabila nito, ibinahagi naman ni Seaman First Class Jeffrey Facundo sa senado ang nangyaring pagputol sa kanyang daliri ng China Coast Guard noong June 17 ,2024.

Intensyon umano ng CCG ang pagsampa sa Philippine Vessel at ito ay hindi masasani na aksidente, ayon kay Facundo.

Sa kabila nito, hindi raw sila gumanti dahil ayaw nila lumala pa umano ang nasabing panghihimasok ng CCG sa Philippine Vessel dahil base sa regulasyon ng Philippine Navy ay magpapaputok lamang sila kung sila ay unang pinaputukan, dagdag pa niya.

RELATED: PCG TO ASSES THE DAMAGE VESSELS RAMMED BY CCG IN WPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this