DSWD, HANDANG MAGBIGAY NG TULONG SA MGA OFW NA APEKTADO NG SIGALOT SA PAGITAN NG US, ISRAEL VS IRAN 

Manila, Philippines – Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay ng tulong ang tanggapan sa mga Pilipinong naapektuhan ng nangyayaring sigalot middle east. 

Ito’y matapos magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng DSWD at Department of Migrant Workers (DMW). 

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, handa ang departamento na magbigay ng tulong pinansyal, psychosocial assistance, livelihood assistance sa mga uuwing Pilipino dulot ng joint-attack ng United States at Israel sa Iran. 

Binigyang diin ng tagapagsalita na ang unang interes ng pamahalaan ay matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino at mabigyan ng angkop na tulong sa oras na makabalik ang mga OFW sa kanilang probinsya. 

Aniya ng opisyal, sapat ang  pondo ng tanggapan para makapagbigay ng tulong, katulad ng mula sa Assistance to individual in Crisis Situation (AICS) magmumula ang tulong pinansyal na ibibigay sa mga biktima ng krisis. 

Nakadepende sa magiging pagsusuri ng mga social workers at koordinasyon ng DMW ang halaga ng matatanggap at kaukulang tulong  na ibibigay sa mga ofw. 

Base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tiniyak ng DSWD na patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba pang ahensya at foreign counterparts para matiyak ang kalagayan ng mga Pilipinong biktima ng gyera sa pagitan ng US at Israel laban sa Iran.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this