GARCIA, IPINASUSPINDI ANG PAG-IMPRENTA NG MGA PWD IDs

Cebu City – Ipinag-utos ni Cebu City Acting Mayor Raymond Alvin Garcia ang pagsuspinde sa pag-imprenta ng mga Identification Card Para sa mga Persons With Disabilities (PWDs) na naninirahan sa lungsod.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Garcia ang pagrepaso sa patakaran sa pag-iisyu ng mga PWD IDs matapos ilantad ng isang konsehal ng lungsod na maging ang mga indibidwal na hindi kabilang sa sektor ay nakakakuha ng ID kapalit ng PHP4,000.

Were actually looking to that…and then i will make a formal finale by nextweek cause i’ll still need to gain more… informations in this matter.. and then i call go for a investigation… joint with the HR and City Legal.. ” saad ni Garcia.

Sa isang press conference, sinabi ni Garcia na inutusan niya ang City Administrator’s Office na suriin ang mga guidelines at pansamantalang ihinto ang pag-imprenta ng mga PWD ID kasunod ng privileged speech ni Cuenco.

Pansalamantalang ihihinto ang pagpiprint ng mga itot habang iimbestigahan naman ang mga empleyadong sangkot sa pag-imprenta ng mga ID na hindi naman kabilang sa PWD.

Sa ngayon,hindi pa matukoy ng mga opisyal ng lungsod ang bilang ng mga ID na ibinibigay sa mga hindi PWD.

Dagdag pa ni garcia na ang mga mapanamantalang residente na kumuha umano ng mga PWD ID ay magiging sanhi ng pagkawala ng kita sa gobyerno at magiging hadlang upang mabigyan ang mga nararapat na benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this