Ratchaburi Thailand — Ipakita ang gilas ng Pilipinas. Yan ang pinatunayan ng Gilas women u18 basketball category sa pagdomina sa Southeast Asia.
Ito ay matapos magkaroon ang National team ng malaking kalamangan sa Indonesia sa score na 73-37 sa FIBA Women’s Under-18 Asia Cup 2024 SEABA Qualifiers, Linggo ng hapon sa Ratchaburi Gymnasium.
Ang Gilas womens ay pinangunahan ni Alicia Villanueva mula sa National University-Nazareth School. Si Villanueva ay nagpamalas ng 13 puntos at 10 rebounds, at ito ang nagbigay-daan sa kanila na walisin ang torneo sa 3-0 sweep.
Pinainit ng mga Filipina hoopers ang mga sumunod na quarter, na nagtala ng 43-puntos na kalamangan laban sa Indonesia na dati nang hindi natatalo matapos na magmukhang mahigpit ang laro sa pagtatapos ng unang quarter kung saan ang Pilipinas ay nangunguna lamang ng tatlong puntos sa score na 14-11.
Ang kanilang pagkapanalo sa qualifiers y nagsilbing malaking confidence booster para sa Filipina hoopers na sasabak sa Asia Cup U18 Division B tournament sa China.