MANILA, PHILIPPINES – Opisyal nang nanumpa ang fashion icon at aktres na si Heart Evangelista bilang bagong Presidente ng Senate Spouses Foundation Inc. (INC)
Ginanap ang oathtaking ceremony sa Senate Building kaninang umaga na pinangunahan mismo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Bukod kay Heart kasama rin nitong nanumpa sa kanilang bagong tungkulin sina:
Kathryna Yu-Pimentel– Vice President at Chairperson of the Committee on Social Event
Ms. Maricel Tulfo – Secretary and Chairperson, Committee on Public Assistance
Mr. Teodoro Misael Llamanzares – Assistant Secretary and Chairperson, Committee on Finance and Logistics
Rep. Lani Mercado-Revilla – Treasurer
Photo Courtesy: Senate of the Philippines
Taguig Mayor Lani Cayetano – Chairperson, Committee on Arts
Mr. Mark Lapid – Chairperson – Committee on Ways and Means
Issa Baraquel – Chairperson, Committee on Youth & Women
Undersecretary Emmeline Villar – Legal Counsel and Chairperson, Committee on Environment
Ms. Marielle Padilla – Public Relations Officer
and Ms. Nancy Dela Rosa – Public Relations Officer.
Sa talumpati ni Heart nangako itong gagampanan nya ang kanyang tungkulin at responsibilidad bilang bagong pinuno ng SSFI kasama ang iba pang mga opisyal ng organisasyon.
Bago pa maganap ang naturang seremonya una nang ibinahagi ni Heart ang kanilang kauna-unahang Senate Spouses meeting.
Sa post ng aktres binigyang pugay nito ang mga naunang presidente ng SFFI.
Sinabi rin nitong ipagpapatuloy nila ang magagandang programa at proyektong nasimulan na ng foundation.
Photo Courtesy: Senate Spouses ph/Instagram
Pinalitan sa puwesto ni Heart si Ms. Audrey Zubiri na asawa ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri na matatandaang nagbitiw sa kanyang posisyon ngunit nananatiling Senador.
Ang SSFI ay samahan ng mga asawa ng senador at unang naitatag noong 1987.
Layunin nitong makabuo ng mga programang kapaki-pakinabang sa bansa na makatutulong sa komunidad.