Manila, Philippines – Nasabat ng mga kawani ng Bureau of Customs ang mahigit sa walong kilo ng cocaine mula sa isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ang naturang mga droga ay nagkakahalaga ng mahigit sa 43 milyon pesos na dumating sa bansa noong January 22.
Ayon sa report ng BOC kahina hinala ang dalang bagahe ng pasahero dahilan para sumalang sa verification.
Nang isalang sa physical examination ang kanyang mga dala dito na tumambad ang white crystalline substance na hinihinalang cocaine na tumitimbang ng 8.1 kilo na nakatago sa loob ng kanyang bagahe.
Kinumpirma naman ng PDEA na positibong cocaine ang dala nito matapos sumailalim sa field testing.
Nahaharap ngayon ang pasahero sa paglabag ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act).