HINDI OTORISADONG ONLINE SERVICES ALOK, SA MGA SEAFARERS

Manila Philippines — Nagbabala ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa publiko laban sa mga hindi awtorisadong online services na nagpoproseso umano ng mga pekeng dokumento para sa mga marino.

Sinabi ng MARINA na hindi nito pinapayagan ang anumang Facebook group o katulad na magproseso ng Seafarer’s Identity Document (SID), Seafarer’s Record Book (SRB), Certificate of Competency (COC), at Certificate of Proficiency (COP).

Dagdag pa ng ahensya na hindi rin nila pinahihintulutan ang online consultancy services sa Facebook groups at community chat groups.

Pinayuhan din ng MARINA ang mga marino na magtanong lamang sa mga accredited maritime training institutions (MTI) hinggil sa kanilang maritime training courses.

Ang listahan ng mga training and assessment centers ay maaari umanong matatagpuan sa website ng tanggapan ng MARINA’s Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).

At para sa iba pang impormasyon, maaari din nilang bisitahin ang opisyal na social media accounts ng MARINA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this