HUSTISYA SA NAPASLANG NA PUNONG BARANGAY, NAIS NI BIAZON

Muntinlupa City – Iniutos ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang lokal na pulisya na iharap sa hustisya ang mga nasa likod ng pagpatay sa isang punong barangay sa lungsod.

Inatasan din ni Biazon sa Operations Center ng lungsod na suriin ang mga closed-circuit television (CCTV) camera sa lungsod upang makatulong na matukoy ang mga nasa likod ng krimen.

Dagdag pa ng alklade walang puwang umano ang karahasan sa Lungsod at kinokondena nito ang karumal dumal na pagpaslang kay Kap.Kaok Loresca at hindi ito titigil upang makamit ang hustisya para sa kapitan.

Nakiramay si Biazon sa naulilang pamilya ng biktima.

Sa isang ulat, sinabi ng Muntinlupa City Police na si Barangay Buli chairperson Ronaldo “Kaok” Loresca ay binaril ng dalawang hindi pa nakikilalang tao sa harap ng isang sneakers at apparel store sa kahabaan ng Manuel L. Quezon Street sa nayon bandang 10:16 p.noong Miyerkules.

Habang tumakas ang mga sakay ng motorsiklo patungo sa Sucat matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this