Marikina City, Philippines – Pinarangalan ni Marikina City Mayor Mercy Teodoro at ng Sanggunaniang Panlungsod ang mga Nursing graduates mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) na nakapagtala ng 100% passing rate sa katatapos lamang na Philippine Nurses Licensure Examination (PNLE).
Bagamat first-takers o unang sabak sa licensure exam, ang 69 Nursing graduates na kumuha ng pagsusulit ay nakapasang lahat, ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.
Ipinagmamalaki rin ni Teodoro ang tagumpay at karanghalan para sa mga ito na siya umanong patunay sa dekalidad ng edukasyong ipinagkaloob ng PLMAR sa mga kabataang taga Marikina.
Ayon sa alakalde ay magsibli sanang inspirasyon ang mga kabataang ito sa mga susunod na henerasyon.