Tahanan ng OFWs. Para sa OFWs.
Tungo sa pagpapataas at pagpapabuti pa ng antas ng serbisyo para sa kapakanan ng mga kababayan nating mga Overseas Filipino Workers, mas maraming international partnerships ang binuo at nilahukan ng Pilipinas ngayong 2024 kaisa ang iba pang mga bansa.
Sa lauching ng Overseas Labor Market Situationer nitong Martes, ika-3 ng Disyembre, kinilala ni Department of Migrant Workers secretary Hans Leo Cacdac ang mga bansa at mga international organizations na naging partner ng kagawaran at ng Pilipinas para sa pagpapaunlad ng mga serbisyo at mga oportunidad para sa mga OFWs.
Sa pamamagitan ng mga nabuong bilateral relations kaisa ang mga international partners, mas marami ring kasunduan, programa, at labor oportunities ang nalikha at magbubukas pa para sa mga ito.
Ngayong 2024, kabilang sa mga naging international partners ng DMW ang mga bansang Qatar, Japan, South Korea, Singapore, Canada, Germany, Austria, Croatia, Czech Republic, at Romania na nakapaglinang ng mga bilateral cooperations sa mga usapin ng labor force at opportunities, employment policies, protection of rights and welfare, at iba pa.
Bukod sa mga nabanggit na bansa, naging kaisa rin ng Pilipinas sa pangunguna ng DMW ang iba pang international organizations kabilang na ang International Organization for Migration (IOM), International Labour Organization (ILO), World Bank, United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), gayundin ang iba pang mga indibidwal na luminang ng mga polisiya tungo sa pagpapatatag ng antas ng proteksyon, karapatan, at kapakanan ng mga mangagawang Pinoy.
Kinilala rin ng kagawaran ang tumataas na demand para sa mga manggagawang Pilipino abroad, at na mismong mga bansa na ang nagpapahayag ng intensyon na makabuo ng kooperasyon kasama ang Pilipinas para sa deployment at employment ng mga OFWs sa kani-kanilang mga bansa, maging para sa pagpapaunlad ng local labor market.
Kaugnay nito, asahan na sa susunod na taon, mas tataas pa ang demand at mga employment opoortunities para sa mga manggagawang Pilipino partikular na sa mga partner countries.