ILLEGAL RECRUITMENT FIRM SA BULACAN, IPINASARA NG DMW

Malolos City, Bulacan — Nagaalok ng bogus na trabaho sa Europa kapalit ng malaking placement fee, yan ang operasyon ng isang travel agency sa Malolos City, Bulacan na ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sa pakikipagtulungan ng Malolos City Police sa Migrant Workers Protection Bureau (MWPB), kinandado ang tanggapan ng High Dreamer Travel and Tours sa bahagi ng Paseo del Congreso, Catmon, Malolos Bulacan.

Ayon kay MDW Secretary Hans Leo Cacdac, tanging Filipino Community sa Poland ang nagpatunay sa ilegal na operasyong ng nasbing recruitment agency.

“Once again, the Filipino Community in Poland proved to be a valuable ally in stopping these illegal activities. We thank them for their vigilance in reporting the illegal activities of High Dreamer to our Migrant Workers Office in Prague (MWO-Prague),” ayon kay Cacdac.

Ang alok umanong trabaho production workers, agricultural workers, katulong, restaurant workers, at construction workers sa ibang bansa sa Europa, at ang pangakong buwanang sahod aabot sa P70,000 at P80,000.

Pero bukod sa ilegal na operasyon naniningil din umano ng processing fees ang nasabing travel agency sa halagang P100,000 at placement fee na aabot sa P300,000.

Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang mga tauhan ng High Dreamer, at kabilang na rin sila sa  “List of Persons and Establishments with Derogatory Record,” ng ahensya kung saan pinagbabawalan na silang makibahagi sa anumang recruitment program ng pamahalaan.

Ito ang ika-10 ilegal recruitment hub na ipinasara ng DMW ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this