KASO NG DENGUE, BUMABA NG 23% SA KATAPUSAN NG MARSO

Manila, Philippines — Sa kabila ng naging banta ng sakit na dengue sa bansa ngayong taon, nakapagtala naman na ang Department of Health ng pagbaba sa bilang ng mga naitalang kaso nito.

Batay sa datos ng DOH nitong Marso, mula sa mahigit 12,000 kaso ng sakit sa unang dalawang linggo ng buwan, 23% ang ibinaba nito sa sumunod na dalawang linggo na may 9,289 cases na lamang.

Sa bilang na ito, 0.36% ang case fatality rate, na katumbas ng 4 na pagkasawi sa kada isang libong may sakit.

Sa kabila nito, bumaba na rin ang case fatality rate ng sakit sa parehong panahon.

Pinakamataas pa rin ang naitalang kaso ng dengue sa CALABARZON region na may mahigit 17,700 na kaso, sinundan ng National Capital Region na may 16,704 na kaso, habang 15,317 naman na impeksyon sa Central Luzon.

Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na huwag magpakampante sa pagbabang ito, at sa halip, ipagpatuloy lamang ang mga hakbang upang maiwasan ang impeksyon at paglala nito.

Ani ng DOH, posibleng magkaroon muli ng pagtaas sa kaso ng sakit sa bansa, lalo na kapag pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Paalala ng ahensya, panatilihin ang kalinisan at ipagpatuloy lamang ang regular na pag Taob, Taktak, Tuyo, Takip upang mapuksa ang lamok na may dalang dengue at pinamamahayan nito.

Share this