KUMPIRMADONG KASO NG MPOX SA MANDALUYONG MAHIGPIT NA BINABANTAYAN

Mandaluyong City, Philippines – Mahigpit ngayong binabantayan ng Mandaluyong City Local Government Unit ang kumpirmadong kaso ng Mpox sa kanilang lungsod.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nagsasagawa na sila ng imbestigasyon, contact tracing, risk assessment at monitoring sa mga natukoy na close contact ng pasyente.

Tiniyak rin ng LGU na konrolado ang sitwasyon at hinihikayat ang publiko na manatiling kalmado .

Nilinaw rin ng Department of Health (DOH) na walang outbreak ng MPOX sa bansa sa kabila ng naitalang kaso nito.

Mula rin daw January hanggang June 3 ng kasalukuyang taon, 44 na kaso lang ng Mpox ang naitala sa buong bansa higit daw na mababa kumpara noong nakaraang taon sa kapareho ring mga buwan.

Sa inilabas naman na abiso ng Mandaluyong, hinimok ang lahat na sundin ag ilang preventive measures gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, iwasan ang skin-to-skin contact, pagtatakip ng bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing at magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung magkaroon ng lagnat at hindi maipaliwanag na mga rashes.

Samantala, hindi naman idinetalye ng lokal na pamahalaan ang eksaktong impormasyon ng kaso ng Mpox na naitala sa kanilang lungsod.

Share this