LEYTE, NAGSIMULA NANG MAGBENTA NG P20\K NG BIGAS

Leyte Philippines — Nagbenta ng bigas ang bayan ng Leyte sa halagang P20 kada kilo upang matupad umano ang hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng bigas para sa mga Pilipino.

Ngunit sinabi ni Matag-ob Mayor Bernandino Tacoy na hindi para sa lahat ang ibinebentang bigas sa mas murang halaga. Ito umano ay para lamang sa mga tao talagang mahirap sa bayan.

“Unfortunately, we are only targeting the poorest people of Matag-ob,” sinabi ni Tacoy.

Ang Matag-ob ang kauna-unahang munisipalidad sa Eastern Visayas na nagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo.

Sinabi ni Tacoy na ito ay nakamit sa pamamagitan ng programa ng municipal government sa pakikipag-ugnayan sa I-unlad Kabuhayan Foundation, isang pribadong organisasyon na nakabase sa Maynila na tumutulong sa mga magsasaka sa bansa na mapataas ang kanilang produksyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga organic fertilizers.

Noong Mayo 8, ang pamahalaang munisipyo at ang I-unlad Foundation ay nakapagbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo sa mahigit 1,500 mahihirap na pamilya ng Matag-ob, mga 105 km ang layo mula sa Tacloban City.

Ang bawat isa sa mga mamimili ay pinapayagan lamang ng limang kilo ng premium na bigas, sabi ni Tacoy.

Umaasa ang alkalde na maipagpapatuloy nila ang programa sa patuloy na tulong ng I-unlad Kabuhayan Foundation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this