Manila Philippines – Nagtalaga ang Land Transportation Office (LTO) ng Hotline na tutugon sa mga reklamo, kabilang ang pishing scam na nambibiktima umano sa pamamagitan ng pekeng traffic violations.
Sa “Aksyon on the Spot” hinihikayat ang mga road users na magpadala ng SMS o text message sa numero ng telepono (0929) 2920865 kung sakaling makasalamuha nila ang mga abusadong motorista sa kalsada.
Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, tutugunan ng hotline ang mga phishing scam at mapang-abuso kabilang na ang nagkakamaling mga motorista sa pamamagitan ng pagtiyak ng agarang tugon mula sa gobyerno.
“Matagal na po tayong nagpa-plano na magkaroon ng isang reliable hotline ang inyong LTO bilang tugon sa direktiba ng ating DOTR Secretary Jaime J. Bautista na lalo pang paigtingin ang rod safety measures dahil nga sa mga nangyayaring road rage at kampanya na rin natin laban sa mga colorum vehicles,” sinabi ni Mendoza.
Ayon naman sa Department of Transportation (DOTr) makikipagtulungan ito sa iba pang law enforcement agencies para mapabuti ang pagpapatupad ng “Aksyon on the Spot” hotline at iba pang aktibidad.